top of page
Search

Suplay ng pagkain, sapat sa ECQ — DTI

BULGAR

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 01, 2021




Siniguro ng Department of Trade and Industry (DTI) sa publiko na sapat ang suplay ng mga pagkain sa Metro Manila sa pagharap ng rehiyon sa ipapatupad na enhanced community quarantine (ECQ).


Mayroon din umanong pop-up store ang DTI kung saan makabibili ang publiko ng mga frozen meat products, ayon kay DTI Secretary Ruth Castello. Saad pa ni Castello tungkol sa naturang pop-up store, “Puwede kayong bumili ng mas marami o kung gaano karami ‘yung madadala ninyo.”


Noong Disyembre 24, 2020, nagtayo ang ahensiya ng mga pop-up stores sa UP Town Center, Quezon City at Greenhills Mall, San Juan City. Samantala, sa Agosto 6 hanggang 20, isasailalim ang National Capital Region (NCR) sa ECQ dahil sa banta ng COVID-19 Delta variant.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page