top of page
Search
BULGAR

Superbagal na internet connection sa ‘Pinas, kailangang solusyunan agad ng DICT, ngayon na!

ni Imee Marcos - @Buking | June 24, 2020


Pagdating sa internet connection, iisa ang daing ng mga Pinoy, superbagal!

Nakakapikon talaga at mapapasigaw ka ng why, oh why my Wi-Fi?! Lalo na kung nagmamadali ka at may hinahabol na deadline. ‘Kalokah!


Juskoday naman Department of Information and Communications Technology (DICT)! Ano na mga amigo, may pag-asa pa ba tayo?


Knows ba ninyo mga friendship na ang ‘Pinas ang kulelat sa buong Asya pagdating sa internet speed? Ang masakit na katotohanan, dinaig pa tayo ng mas maliliit na bansa kaysa sa atin in terms of economy, tulad ng Laos, Cambodia and Myanmar? Matagal na dapat tayong nag-upgrade pero hanggang ngayon ay 3.5 mbps pa lang tayo! Kawawa lang ang peg.


Level up na dapat ang ‘Pinas at siguruhing prayoridad ang digital infrastructure tulad ng pagbibigay-importansiya sa public works at transport projects sa ilalim ng programang Build-Build-Build.


At kung ikukumpara naman ang ating bansa sa mauunlad na estado tulad ng Singapore at Hong Kong, halos 19 hanggang 22 times na mas mabilis sila kesa sa atin. Hindi lang ‘yan sabi-sabi dahil base ‘yan sa datos ng Ookla Net Index na kilala sa buong mundo pagdating sa internet-performance test.


Plis naman DICT! Kilus-kilos pa more, santisima! Dapat prayoridad ng ating pamahalaan ang internet speed ngayong nasa gitna tayo ng pandemya at nahaharap sa tinatawag na new normal kung saan nakabase ang halos lahat ng transaksiyon sa paggamit ng internet.


Mabagal na internet connection dagdag pa ang limitadong pag-access online resulta niyan mga besh, makupad na ekonomiya at mababang uri ng pamumuhay, pahirap lalo sa mga lokal na pamahalaan na nasa mga liblib na lugar sa bansa! Ano bah?


Eh tanong ko nga pala, anyare sa ikatlong telco player? Tila natabunan na sila, ha?

Natutulog na ba sa pansitan? ‘Wag naman, maraming naghihintay sa project n’yo!

Take note, mas magiging matagumpay ang gobyerno sa contact tracing, online education, e-commerce at e-jobs at maging pagresolba ng krimen at mga eleksiyon sa hinaharap kung mapagbubuti at mapaghuhusay ang digital infrastructure ng bansa.


Ganern! Kaya plis lang, DICT, kilos na, bilisan na!


0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page