top of page
Search
BULGAR

Super rich ang dyowa… ERICH, KERING MABUHAY KAHIT WALA NA SA SHOWBIZ, TODO-PAGANDA NA LANG

ni Beth Gelena @Bulgary| July 8, 2024



Showbiz News

Kinagiliwan ng mga netizens ang bagong video ni Erich Gonzales kung saan nasa Aivee Clinic siya.


Mismong ang Aivee ang kumuha ng video para i-share sa mga netizens dahil alam nilang maraming fans ang nakaka-miss sa aktres. 


Agad na nag-viral ang video ng aktres dahil sa pagka-miss sa kanya ng mga fans.

Ang caption nga ng celebrity doctor, “She is back @erichgg. Super miss this girl!! Time to do your favorite Aivee treatments.”


Komento ng isang netizen, “Looked like Korean actress Kim Tae-Hee. So pretty!”

Madalang na kasing makitang may post si Erich sa social media kaya na-surprise ang kanyang mga fans at followers. 


Bumaha ang komento sa comments section ng Instagram account ng Aivee na puro papuri sa aktres.


“Very classy ‘yung kagandahan n’ya ngayon.”


Marami rin ang nagkomento na gusto na nilang bumalik ang aktres sa showbiz dahil nami-miss na raw siya ng kanyang mga fans. 


“Nakaka-miss ka, Erich. Kailan ang balik mo?”


Inihalintulad pa siya kay Gretchen Barretto. 


“She looks like Gretchen Barretto, so beautifullll!”


Magmula kasi nang ikasal si Erich kay Mateo Lorenzo nu’ng 2022 ay tumigil na siya sa pag-aartista. 


Sabagay, kahit hindi na bumalik sa akting ang aktres ay kayang-kaya siyang buhayin ng kanyang mister. 


Galing sa buena familia ang hubby ng aktres, isang old rich family ang mga Lorenzo. 


Very private na rin ang social media platforms ni Erich. 


Sabi ng isang netizen, “Mami-miss din ni Erich ang showbiz. Magugulat na lang tayo na bumalik na s’ya. Hintayin na lang natin kung kailan.”


 

MAY nakausap umano si Ogie Diaz sa ABS-CBN patungkol kay Jennylyn Mercado. Ito ay tungkol umano sa mga sitsit na ongoing pa rin daw ang network transfer ng Kapuso actress. 


Ayon kay Ogie sa kanyang Showbiz Update vlog sa YouTube, “Eh, ‘di ba, natsismis din nga si Jennylyn Mercado, na s’ya ay lilipat na bilang Kapamilya? Oo, at siyempre, sinimulan daw ito sa Star Music kung saan nagre-recording si Jennylyn,” panimula ni Ogie.


“So, ito na nga ‘yung isyu, may nakausap ako from ABS-CBN na sa Star Music lang talaga, for now ay hindi nila naisip pa na kunin si Jennylyn kasi nga siyempre, alam mo, ito nga ‘yung sabi ng source ko, 'Ogie, hindi naman maganda, na may friendship ang ABS-CBN at GMA, porke nawala sa GMA, eh, sasaluhin namin. Siyempre, ‘di rin naman para isangla ‘yung friendship namin with GMA-7. Puwedeng mag-collab,” sey umano ng Kapamilya insider. 

 



0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page