top of page
Search

Super payat sa piktyur, mataba sa personal… SEXY CALENDAR PHOTOS NI JANINE, EDITED DAW, SOPLA SA NETIZEN

ni Beth Gelena @Bulgary | Dec. 17, 2024



Photo: Janine Guetierrez - IG


Nagbigay ng classy response si Janine Gutierrez sa komento na, “Grabe pagkaka-edit,” kaugnay ng kanyang calendar shoot para sa latest endorsement niya ng isang brand ng alak.


Tulad nina Julie Anne San Jose at Kim Chiu, ini-launch din kamakailan si Janine Gutierrez bilang Calendar Girl ng isang liquor brand.


May isang basher na nagkomento hinggil sa kuha niyang mga larawan. Sey nito, “Grabe pagkaka-edit, ah. Napakanipis n’ya sa mga photo n’ya, pero nu’ng launching, ang taba n’ya po. Grabe ang Photoshop, @asiabreweryofficial.”


Janine calmly responded and revealed the shoot was done in October and was launched on December. 


“I can see how this can be confusing! We shot the calendar in October and the launch was in December :) In those two months, I went to Japan for the Film Festival, attended Thanksgiving parties for our show, and really took a break from strict diet and workout. I always take it easy during the holidays and enjoy my body in its different shapes, you should too!” ani Janine.


May dahilan naman pala ang pag-gain ng weight ng aktres. At ‘di ba nga, may kasabihan na kapag in love, nagge-gain ng weight dahil masarap kumain nang may kasabay?

Kahit itanong pa natin kay Jericho Rosales. 

Yes, ganern!


 

Friends lang yaaaarn?

ENCHONG, NAG-POST NG PIKTYUR NILA NI ERICH, BACKGROUND MUSIC, PAG-IBIG DAW SANA NIYA AY MAPANSIN



Ilang taon din ang naging friendship nina Enchong Dee at Erich Gonzales.

Sila ang magka-love team noon sa Kapamilya Network. Walang ligawang nangyari sa kanila kundi pure LT (love team) lang, hanggang sa naging best of friends. 


Nang makapanayam ang aktor, naitanong sa kanya ang kanilang pagkakaibigan ni Erich na hindi na active ngayon sa showbiz.


Nang ikinasal si Erich sa non-showbiz guy na si Mateo Lorenzo noong 2022 ay pinili niyang talikuran ang glitz and glamour ng showbiz. Ang last TV project ni Erich ay La Vida Lena (LVL)


Sabi ni Enchong, naalala niya ang friendship nila ng aktres. Post niya sa kanyang Instagram (IG) base sa artikulo, isang simple caption ang kanyang isinulat with, “Since 09.”


Ibinahagi rin ng aktor ang throwback photos nila ni Erich na may background song na may lyrics na: “Ikaw lang at ikaw ang isinisigaw ng puso kong ‘di mapakali/ Ikaw lang at ikaw ang isinisigaw/ Pag-ibig ko’y sana mapansin.”

Komento ng kanilang mga fans, they admired the “platonic relationship” between Enchong and Erich while some were anticipating their reunion project.

Isang netizen naman ang nagtanong, “P’re, ba’t ganu’n ang song choice?”

Mapapaisip ka tuloy kung nagkaroon nga ba ng feelings si Enchong kay Erich na hindi niya nagawang sabihin dito?

0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page