top of page
Search
BULGAR

Super-laking pondo sa BARMM, isapubliko kung saan napunta

ni Imee Marcos - @Imeesolusyon | July 05, 2021



Huling sona na ni Pangulong Rodrigo Duterte ngayong July, pero mukhang napag-iiwanan na ang kaunlaran sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). Why, oh, why?


Juicekolord, binuhusan ng malaking pondo ang BARMM, pero bakit tila nangungulelat pa rin ang madlang pipol at kababayan nating Muslim doon pagdating sa improvement ng rehiyon?


Eh, ano na nga ba ang nanyayari? Isa-isahin ulit natin ang laki ng pondong inilaan ng ating gobyerno para sa kaunlaran ng BARMM.


Una, noong General Appropriations Act of 2020, inilaan ang BARMM ng P7 billion, Annual Block Grants (ABG) na nasa P63.6 billion, at Special Development Fund (SDF) na P5 billion. At dagdag pa rito ang 2021 GAA na P8.6 billion, AGB na nasa P71.6 bilyon at P5 bilyon ulit na SDF.


Hindi lang ‘yan, bago pa naging BARMM at Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM pa lang ‘yan, may pondo pa sila na nasa P32.4 bilyon, adjustment na nasa P7.2 bilyon at total available na appropriations o laang pondo na P39.7 bilyon.


Oh, ‘di ba?! Ang lalaki ng mga pondong ‘yan! Pero ang tanong, kumusta naman ang hitsura ng BARMM, hello! Eh, hindi nga halos umusad ang pag-unlad ng rehiyon. Naku, saan ba at paano ba ginastos ang pondo ng BARMM?


Aba, eh, mag-eeleksiyon na, ilang buwan na lang din magpa-Pasko na. Ano na nga ba ang status ng mga proyektong ginagawa na raw sa BARMM? Eh, wala man lang tayong nababalitaang pag-unlad d’yan. Dapat malaman natin kung saan napunta ang super-laking mga pondo para sa BARMM.


IMEEsolusyon dito, dapat malaman ito at mabusisi ng ating mga kapwa mambabatas, para naman hindi nakapanghihinayang ang napakalalaking pondong inilaan, natutulog lang ang pera. Anyway, para mas maliwanagan tayong lahat, ipabubusisi natin ‘yan.


Oobligahin din nating maipakita sa ating mga mambabatas ang status ng mga proyekto. Dapat i-report mismo sa atin at maiklaro kung paano ginagamit ang pondo at dahilan ng mga pagka-delay ng mga proyekto.


Nakakaawa ang ating mga kababayan sa BARMM na inabot na lang ng pandemya, tila ang pag-unlad din nila, eh, nakatengga. ‘Wag namang ganyan. ‘Wag patulugin ang pondo, gastusin ng maayos at maging transparent kung paano ito ginastos. At plis lang, pabilisin na ang mga proyekto sa BARMM.


Baka naman abutin pa talaga ‘yan ng 2022 Elections, ano ba?! Bago man lang sana matapos ang termino ni Pangulong Duterte, eh, may nangyari nang improvement sa BARMM. Agree?

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page