GABI KASAMA ANG BAGONG FRENCH BF.
ni Julie Bonifacio - @Winner | August 25, 2021
![](https://static.wixstatic.com/media/2551ae_ab810952b57b434280a9aeee279de631~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_avif,quality_auto/2551ae_ab810952b57b434280a9aeee279de631~mv2.jpg)
Panay ang labas ng mga nakunang larawan at videos ng mga taga-Siargao sa aktres na si Nadine Lustre with her rumored boyfriend na si Christophe Bariou.
Expected naman 'yun dahil sikat si Nadine na kahit mga taga-probinsiya ay kilala siya at talagang mae-excite na kunan siya ng larawan o video.
But what added extra flavor sa mga kuhang pictures and videos ni Nadine ay ang diumano' y boyfriend niya na si Christophe na maituturing na isa rin sa mga locals ng Siargao. Kaya tuloy kahit saan magpunta, parang may paparazzi na laging nakaabang sa kanila.
Kung saan-saan din kasi siguro ipinapasyal ng Fil-French swimmer si Nadine sa Siargao. This must be the reason kaya sinasabing pagala-gala si Nadine roon.
Nand'yang kumain siya sa karinderya, i-meet ang ibang locals sa Siargao at mag-party-party.
"How sweet naman, ipinapakilala na si Nadine Lustre sa locals ni Cristophe Bariou. Island tour sa umaga, walwalan sa gabi! How romantic!" comment ng netizen.
"Nadine Lustre and Cristophe Bariou kumain sa karinderya sa Siargao. How sweet! Hindi naman pala sobrang tangkad ni Cristophe. Saka wala na ba s'yang ibang shorts? 'Yung white sando, ginaya ba 'yan?"
Eh, baka naman nagpaplano si Nadine na manirahan sa Siargao someday gaya ni Andi Eigenmann? Na mula nang makilala ang surfing champ na si Philmar Alipayo ay pinili nang mamuhay sa Siargao.
Malay natin, baka dahil kay Andi ay nagkaroon ng ideya si Nadine na puwedeng magkaroon ng isang simpleng buhay sa Siargao ang artistang tulad nila.
Ngayon pa lang ay kinikilig na ang mga netizens kina Nadine at Christophe. Gusto na nilang mag-stay si Nadine sa Siargao, pakasal kay Christophe at magkaroon ng baby.
"Nadine Lustre with her new BF Christophe! Happy for you, Nadine! Pakasal na kayo!"
"Tulo-laway ni Nadine Lustre sa jowa n'yang Afam na si Cristophe Bariou! In love na in love si ateng! Ang bilis talaga niyang ma-fall bespren Andrei! 1 Siargao trip lang, hulog na hulog na! Bumalik na agad to stay! Aww!"
Si Christophe raw ay owner and co-founder ng online magazine na BE Siargao. Founder and managing director din daw ang rumored BF ni Nadine ng luxury resort sa Siargao, ang Maison Bukana.
Wow.
Comments