top of page
Search
BULGAR

Suob vs. COVID-19, delikado — DOH

ni Madel Moratillo | June 27, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Muling nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa publiko hinggil sa panganib na maaaring idulot ng tuob o suob.


Sa isang advisory, sinabi ng DOH na ang paglanghap ng steam na may asin, lemon at iba pa ay hindi nakakapatay ng COVID-19.


Maging ang Center for Disease Control and Prevention at World Health Organization ay nagsabi na rin na hindi nakakagaling ng covid-19 ang steam inhalation.


Wala rin umanong scientific evidences na magpapatunay na nakakapatay ng virus na dala ng covid-19 ang steam inhalation.


Paliwanag naman ni Health Usec. Ma Rosario Vergeire, maaaring makapagpakalat lang ng virus ang steam inhalation.


Maaari aniyang sumama ang virus sa singaw o na-produce na aerosole dahil sa steam.

Ang steam inhalation ay nagpaparami rin umano ng likido sa ilong na posibleng makahawa sa iba sa pamamagitan ng pagbahing o pag-ubo.


Bukod dito, maaari rin umano itong magdulot ng aksidente gaya ng pagkasunog at pagkalapnos ng balat.


Sa kapitolyo ng Cebu, isang memorandum ang inilabas ng pamahalaang panlalawigan kung saan hinihikayat ang mga empleyado na mag-tuob ng dalawang beses isang araw sa kani-kanilang work station.


Ang Cebu City ang isa sa pangunahing tinututukan ngayon ng pamahalaan dahil sa pagdami ng kaso ng COVID-19.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page