ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | January 17, 2023
![](https://static.wixstatic.com/media/bd1fd9_50805800a3374d3eaae2c37368817bc9~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_avif,quality_auto/bd1fd9_50805800a3374d3eaae2c37368817bc9~mv2.jpg)
Tiyak na nakaka-relate si Sunshine Cruz sa kanyang role sa Underage dahil in real life ay may tatlo rin siyang anak na babae na mga grown-ups na. At 'yun din ang kanyang gagampanan sa Underage dahil sina Lexi Gonzales, Elijah Alejo at Hailey Mendez ang gaganap na kanyang mga anak.
Magiging biktima sila ng cyber bullying at hindi papayag si Sunshine na hindi maparusahan ang may kagagawan.
Sa tunay na buhay ay hindi talaga papayag si Sunshine na may mambabastos at mang-aapi sa kanyang mga anak. Kaya alaga niya ang mga ito sa pangaral upang makapag- ingat.
Sa dami ng pagsubok na kanyang pinagdaanan sa buhay, naging matatag na si Sunshine Cruz.
Hindi na siya ang dating martir na tatahimik na lamang kahit inaapi. Marunong na siyang lumaban ngayon at 'yun ang advise na ibinabahagi niya sa kanyang mga anak na babae — huwag nagpapaapi at matutong lumaban para sa kanilang karapatan.
Nagpapasalamat si Sunshine na lumaki ang kanyang mga anak na mababait, masunurin, marespeto at marunong makisama.
Comments