ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | July 23, 2023
Sa red carpet screening and mediacon of TV5's newest afternoon TV series titled Minsan Pa Nating Hagkan Ang Nakaraan ay natanong ni yours truly ang isa sa mga lead stars dito na si Cesar Montano at pati na rin sina Cristine Reyes at Marco Gumabao.
Ang tanong ni yours truly sa kanila ay ganitey.... "Naniniwala ba kayo sa kasabihang...
dumarating, nagdaraan ang nakaraan? Lalo na ngayong usung-uso sa Facebook ang throwback memories, ano'ng throwback memories ang naka-welding na sa utak n'yo na 'di n'yo malimot-limutan?"
Unahin natin si Cesar Montano, "Marami, pero I always dwell on happy, nice memories kasi feeling ko, ito 'yung nagpapasaya at nagpapabata sa iyo. You don't dwell in gloomy phases of your life. Ang kailangan, du'n ka sa mga SUNSHINE places... (tawanan tuloy 'coz siguro, naalala ang ex-wife ni Cesar na si Sunshine Cruz)."
"Para ba sa iyo, bagay ang kantang… 'Afraid and shy, I let my chance go by?'" asked ni yours truly kay Buboy (palayaw ni Cesar).
"Para sa akin... You are my SUNSHINE.... my only SUNSHINE (pakanta niyang isinagot na tuloy, ikinakilig ng lahat na present sa mediacon)... Alam mo, for everyday, laging may SUNSHINE and for everyone."
Hmmm.... malamang, hindi pa nakakalimutan nitong si Cesar ang nakaraan nila ng kanyang ex-wife na si Sunshine Cruz kahit pa sabihing may bago na siyang pamilya ngayon.
Boom, 'yun na!
'Niwey.... muling isasabuhay ng TV5 ang '80's classic love story na Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan na pinagbidahan noon ng mga tinitingalang artista sa industriya na sina Vilma Santos, Christopher de Leon at Eddie Garcia.
Ang pinakaaabangang remake na ito ng TV5, na produced by Sari Sari Network, Inc. in collaboration with VIVA Entertainment, ay pinangungunahan ng real-life couple na sina Cristine Reyes at Marco Gumabao, na hindi na bago sa mga Kapatid audience dahil sa mga nakaraang proyekto nila sa TV5 na Encounter at 'Di Na Muli.
Sasamahan sila ng beteranong aktor na si Cesar Montano na mas magdaragdag pa ng lalim at kulay sa kanilang “love triangle.”
Paniguradong tututukan ng Kapatid viewers ang kuwento ni Helen (Cristine Reyes) at ang pagkahati ng kanyang puso sa dalawa niyang mahal — si Rod (Marco Gumabao), ang dati niyang kasintahan na iniwan siyang lito at sawi; at si Cenon (Cesar Montano), isang nakatatandang arkitekto na paiibigin siyang muli.
Ang kuwento ay iikot sa pag-ibig at paghihiganti na mag-iiwan ng katanungan sa mga manonood — kaninong pag-ibig ang magtatagumpay sa huli?
Ang revival ng classic drama na ito ay nagpapatunay ng dedikasyon ng TV5 sa paghahatid ng mga de-kalidad na entertainment content na magpapatibay sa kanilang afternoon program lineup.
Mapapanood ang Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan simula Hulyo 25, Lunes hanggang Biyernes, 4:40 PM sa TV5 at 8 PM sa SARI SARI Channel, available sa Cignal TV, SatLite Ch. 3, at Cignal Play.
Comments