ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 5, 2023
Isang sunog ang sumiklab ngayong Linggo ng umaga sa isang residential area sa Barangay Apolonio Samson, Quezon City.
Nagsimula ang sunog alas-7:30 ng umaga na nakaapekto sa Kaingin Bukid.
Alas-8:30 ng umaga nang itinaas ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa third alarm.
Pansamantalang nag-evacuate ang ilang apektadong residente sa kalapit na compound.
Nakontrol naman ng mga bumbero ang sunog alas-10:01 ng umaga.
Tatlo ang iniulat na sugatan sa insidente na kinilalang sina Mary Grace Bermil, 28, na may malalim na sugat sa kanyang kaliwang binti; Cristina Pascual, 47, na nagkaroon ng hyperventilation dahil sa panic attack, pagduduwal, at pananakit ng tiyan at isang 22-anyos na lalaking fire volunteer.
Ayon sa BFP, apektado ng sunog ang hindi bababa sa 20 bahay ng mga informal settler.
Patuloy ang mga tauhan ng BFP sa kanilang mga operasyon upang tiyakin na walang natirang apoy sa lugar habang isinasagawa ang imbestigasyon upang malaman ang sanhi ng sunog.
Kommentare