ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 23, 2023
Sumiklab ang sunog sa ika-apat na palapag ng Pasig City Hall ngayong Huwebes, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).
Ayon sa BFP, nagsimula ang sunog ng alas-9:18 ng umaga at idineklara itong fire out alas-9:26 ng umaga.
Sa isang abiso ng pamahalaang lungsod, ipinahayag na itinigil ang lahat ng operasyon sa city hall dahil patuloy pa ring lumalabas ang usok mula sa gusali kahit na idineklara nang fire out.
"Ang mga non-essential personnel ay pinayuhan nang umuwi, at ang mga essential personnel para sa pag-manage ng insidente na lamang ang required na manatili sa city hall," saad dito.
Ipinag-utos ni Mayor Vico Sotto ito upang tiyakin ang kaligtasan ng lahat ng city government workers.
Patuloy na iniimbestigahan ang sanhi ng sunog at ang tinatayang pinsalang naidulot nito sa mga ari-arian.
Comentarios