ni Julie Bonifacio - @Winner | June 04, 2021
Tila sang-ayon ang Magandang Buhay host na si Karla Estrada sa naging pahayag ni Manila Mayor Isko Moreno ukol sa suhestiyon nitong pagtigil na sa paggamit ng face shield.
Ini-repost kasi ni Momshie Karla sa kanyang Instagram account ang piktyur ni Mayor Isko with matching quotes nito.
Ang naturang quotes ni Mayor Isko ay ang magkasunod na tweets niya sa kanyang Twitter kahapon na: “Dapat ipatigil na ang pag-require ng face shield sa general population at gamitin na lamang sa ospital upang makabawas sa gastusin at intindihin ng taumbayan.
“Tayo na lang ata sa buong mundo ang nagre-require ng face shield sa kalsada. Dapat pag-isipan ulit ito. Marami na tayong natutunan. We should adjust.”
Sandamakmak na netizens ang naglabas din ng kani-kanyang opinyon ng pagsang-ayon kay Mayor Isko, bagama’t nagbigay na rin ng pahayag si DOH Secretary Duque na ‘di pa rin puwedeng hindi magsuot ng face shield ang mga Pinoy.
Isa sa mga nag-post ng kanyang comment bilang pagsang-ayon sa IG story ni Momshie Karla ay ang kaibigan at ka-batch niya noon sa Regal Films na si Jackie Forster.
Pero, meron din ang nag-disagree sa IG post ni Momshie Karla.
“I don’t agree. Philippines has low rate of people getting vaccinated. So face shield, face mask should still be required.”
And speaking of Mayor Isko, isa siya sa mga nabalitang magiging presidentiable next election.
Matuloy kaya ang balitang ito ngayong kumpirmado na raw ang pagtakbo next year bilang presidente ni Presidential Daughter and Davao Mayor Sara Duterte?
If true, natural lang daw na si Mayor Sara ang susuportahan ni Presidente Digong more than any other candidates, kahit na siguro kapartido pa niya sa PDP-Laban.
Say naman ng ibang showbiz kibitzers, mukhang mahihirapan si Mayor Isko na manalo kapag natuloy ang planong tumakbo bilang presidente sa 2022.
Dagdag pa nila, natalo na raw si Mayor Isko nu’ng tumakbo bilang senador, kaya tiyak na mas mahihirapan siyang manalo kapag pagka-presidente pa ang kanyang papasukin next election.
Comments