ni Lolet Abania | July 16, 2021
Inihayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na isa pa sa malubhang nasugatang sundalo mula sa bumagsak na C-130 sa Sulu ang namatay, kung saan umabot na sa 53 ang nasawi, kabilang ang 50 sundalo at 3 sibilyan.
Sa isang statement, kinilala ni AFP Public Affairs Office Chief Captain Jonathan Zata si Private Jesfel Mequiabas ng Misamis Oriental na nasawi bandang alas-2:30 ng madaling-araw ngayong Biyernes.
“He [was] one of the critically wounded survivors of the C-130 mishap in Patikul, Sulu,” ani Zata.
“The AFP has reached out to his loved ones and his remains are being prepared to be transported to their home town,” dagdag ng opisyal.
Ayon kay Zata, nasa 29 mga namatay ang kinilala na habang ang iba pang mga labi ay patuloy na nagsasagawa ng proseso ng identification.
Matatandaang bumagsak ang C-130 aircraft na mula sa Cagayan de Oro sakay ang tropa ng mga sundalo bansang alas-11:30 ng umaga nu'ng July 4 sa Barangay Bangkal sa Patikul, Sulu.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa sanhi ng pagbagsak ng eroplano.
Comments