ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 15, 2020

Maraming netizens ang labis na nanghihinayang ngayon sa career ni Janella Salvador. Pagkakataon na sana niyang maka-level sina Julia Barretto at Kathryn Bernardo dahil nabibigyan na siya ng magagandang projects sa ABS-CBN at sa Regal Films, pero heto at na-in love siya kay Markus Paterson na wala pang matatag na hanapbuhay at hindi pa kayang bumuhay ng sariling pamilya.
Nasa UK ngayon si Janella at nandu'n din ang kanyang inang si Jenine Desiderio. Nababalitang buntis si Janella at sa UK na manganganak.
Sa kanilang Instagram post ni Markus, ang kanilang relasyon lang ang inamin ng magkasintahan. 'Yung buntis issue ay hindi pa nila kinukumpirma.
At maging ang mommy ni Janella na si Jenine ay hindi sumasagot sa mga nagtatanong ng tunay na kalagayan ng kanyang anak.
Well, kung totoo man ang nababalitang buntis si Janella Salvador, paano na ang kanyang showbiz career? Kadalasan, kapag ang isang sumisikat na young actress ay nag-asawa na at nagkaroon na ng anak, hirap nang bigyan ng role na bida sa pelikula. Nababawasan na rin ang suporta ng kanyang mga fans.
Pero, mukhang no regrets naman si Janella dahil masaya siya sa piling ni Markus ngayon. At kahit siguro pati ang kanyang career ay handa niyang talikuran pansamantala para sa kanyang love life.
Commentaires