ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Oct. 7, 2024
Viral ngayon sa socmed (social media) at iba pang online sites ang bagong multi-million peso worth na sasakyan na pag-aari umano ni Vice Ganda.
Isang video ang nag-leak na kuha ng isang netizen at makikita rito na sumasakay si Vice Ganda sa futuristic luxury vehicle na Tesla Cybertruck.
Sa video ay mapapanood din na napa-wow ang mga kasama niya habang sumasakay si Vice sa bagong bonggang sasakyan.
“Bye, guys,” sey ni Vice na kumakaway pa habang nasa sasakyan.
Sabi naman ng isang girl sa background, “Grabe! Ang yaman-yaman naman! Saan ba nakakabili n’yan?”
Ipinost din ng Kapamilya Online World sa Facebook (FB) ang mga larawan ni Vice Ganda and her new luxury vehicle na nagkakahalaga raw ng P17 M!
Super-bongga naman talaga ng hitsura ng sasakyan at para kang nasa ibang dimensiyon kapag nakasakay ka rito.
Ayon nga sa tsika, if ever ay si Vice pa lang ang kauna-unahang mayroon nito sa Pilipinas.
Sa ibang bansa naman, ang mga celebrities na napabalitang may Cybertrucks ay sina Kim Kardashian, Lady Gaga, Justin Bieber, singer na si Pharrell Williams at tennis superstar Serena Williams.
Sa kasalukuyan ay wala namang kumpirmasyon si Vice na bumili nga siya ng Tesla Cybertruck pero pinagpipistahan na ito ngayon sa online world at naniniwala ang marami na kanya talaga ito.
SUPORTADO ni Marian Rivera ang fan-girling moment ng panganay na anak nila ni Dingdong Dantes na si Zia.
Big fan pala si Zia ni Olivia Rodrigo na as we all know ay katatapos lang ng concert sa Philippine Arena last Saturday (October 5) bilang bahagi ng Guts World Tour nito.
At siyempre, hindi pinalampas ni Zia ang concert at sinamahan pa siya ng inang si Marian.
Makikita nga sa Instagram (IG) account ni Yan ang short video kung saan ay kitang-kita ang happiness ni Zia habang pinapanood ang performance ng kanyang idolo.
At ang pinakabonggang pangyayari ay nang mapansin mismo ni Olivia si Zia na nakatayo sa kanyang seat at pagkatapos ay nag-“Hi!” siya sa bagets.
Priceless ang reaction ni Zia sa pagbati sa kanya ni Olivia. Masayang sabi niya sa ina, “Mommy, she said ‘Hi!’ to me.”
Caption ni Marian sa video, “Kung saan ka masaya, Anak. Nandito lang kami para suportahan ka! We love you! @oliviarodrigo Salamat pinasaya mo si Ate Zia (love emoji).”
Pati nga ang mga netizens ay masaya rin for Zia at pinuri rin nila ang pagiging supportive mom ni Marian sa fangirling moment ng anak.
“Zia looked so happy while watching the concert of Olivia Rodrigo. Zia is sooooo blessed to have very supportive parents (triple hearts),” sey ng isang netizen.
“The joy of Ate Zia’s face is so precious,” sey naman ng isa pa.
Comments