ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 2, 2021
Nagbabala ang Department of Health (DOH) sa publiko lalo na sa mga residenteng nakatira malapit sa Bulkang Taal sa panganib na maaaring idulot ng sulfur dioxide na ibinubuga nito.
Pinayuhan ng DOH ang mga residente na magsuot ng protective gear kapag lalabas ng bahay dahil ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, maaaring magdulot ng eyes, skin at respiratory system irritation ang sulfur dioxide mula sa bulkan.
Ani Vergeire, “Ang mga panganib na dulot ng pagkilos nitong bulkan ay may kaakibat din pong panganib sa ating kalusugan.”
Aniya pa, “Magsuot po kayo ng dust mask o N95 mask, proteksiyon sa mata tulad ng goggles, at proteksiyon sa balat kung kayo ay lalabas ng bahay.
“Higit sa lahat, manatili po tayong alerto sa mga kaganapang ito at sumunod po tayo sa mga warning o abiso ng inyong LGU (local government unit).”
Samantala, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, patuloy pa rin ang pagpapalikas sa mga residente ng high-risk barangays katulad ng Laurel at Agoncillo at sa iba pang munisipalidad ng Batangas.
Saad pa ni Roque, “LGUs are leading the efforts on the ground through their Disaster Risk Reduction and Management Offices with the support of counterparts in the line agencies.
“The Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 4-A is on heightened alert and has stockpiles of relief support consisting of food packs amounting to 1.4-M pesos and non-food items worth 11-M pesos.”
Nagsagawa naman umano ng Joint Task Force Taal ang Armed Forces of the Philippines Southern Luzon Command upang tumulong sa mga operasyon ng Regional Disaster Risk Reduction and Management Council at LGUs.
Alerto rin ang Philippine National Police (PNP) at nagpadala na ng mga sasakyan ang Philippine Coast Guard (PCG) Logistics Systems Command na magagamit sa humanitarian assistance.
Saad pa ni Roque, “We ask residents in the areas surrounding the volcano lake to remain vigilant, take precautionary measures, cooperate with their local authorities should the need for evacuation arise.”
Comments