ni Jenny Rose Albason @Overseas News | August 2, 2023
Nasawi ang 44 katao matapos ang pagsabog sa isang political convention sa northwestern Pakistan.
Mayroon din umanong mahigit 100 katao ang nasugatan sa nangyaring insidente kung saan 17 ang kritikal.
Ang nangyaring pag-atake ay target umano ang mga miyembro ng Jamiat Ulema-e-Islam-Fazl (JUI-F) party na nagtipon umano sa bayan ng Khar ang lugar na malapit sa border nila ng Afghanistan.
Ayon sa imbestigasyon, pinasabog ng mga suspek ang bomba malapit sa stage. Walang grupo ang umamin sa nasabing insidente.
Mariin namang kinondena ni Pakistani Prime Minister Shehbaz Sharif ang nasabing insidente.
Comentários