ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | November 21, 2022
KATANUNGAN
Hindi ko masyadong mahal ang girlfriend ko dahil ang totoong crush at nililigawan ko noon ay ang best friend niya. Pero ang hindi ko alam, siya pala ang may gusto sa akin, habang ‘yung best friend niya ay nagka-boyfriend at nakapag-asawa na ngayon.
Tumagal naman ang relasyon namin, pero hindi ako masaya kapag kasama siya, kaya nakipagbreak ako hanggang sa nagtangka siyang magpakamatay. Mula noon, nagkabalikan kami dahil sabi ng mga kaibigan ko ay mahal na mahal daw ako ng girlfriend ko, kaya hindi ko siya dapat iwanan. Ang problema, may bago na akong girlfriend nang hindi niya alam at mas mahal ko ‘yung bago kaysa sa kanya at masaya ako kapag kasama ko siya.
Hindi ko pa ito masabi sa kanya dahil baka magpakamatay na naman siya. Ano ang dapat kong gawin para masabi ko sa kanya nang hindi siya gaanong nasasaktan na hindi ko na siya mahal at may bago na akong girlfriend?
KASAGUTAN
Madali lang solusyunan ang problema mo. Tingnan o suriin mong mabuti ang kaliwa at kanang palad ng una mong girlfriend upang mabatid kung magiging matagumpay ba siya sa tatangkain niyang pagpapatiwakal kung sakaling ulitin niya ito.
Dalawang klase kasi ang nagpapatiwakal at ang mga indibidwal na may suicidal tendency ay ‘yung matagumpay na nakapag-suicide, kaya sila ay natutuluyan. Habang ‘yung ikalawa naman ay hindi nagtatagumpay, kaya sila ay nabubuhay at sa halip na mamatay ay naoospital lang sila.
Ang masakit sa mga bigo na nagsu-suicide, kahit ulit-ulitin pa nila ang pagtatangkang magpakamatay, dahil nakatakda sa kanilang kapalaran ang mabigo, pati sa pagtatangka na kitilin ang kanilang sariling buhay ay bigo pa rin sila. Hindi tulad nu’ng mga matagumpay na indibidwal. Akala nila ay palagi silang bigo o hindi nagtatagumpay sa buhay, pero ang hindi nila alam, may isang tagumpay na itatala sa kanilang kapalaran at ‘yun ay ang pagsu-suicide. At kapag nagtagumpay siya, habang naghihingalo, masasabi niya sa kanyang sarili, “Sa wakas, nagtagumpay din ako!”
Ngayon, paano mo malalaman base sa guhit ng palad kung ang isang indibidwal na may suicidal tendency ay magtatagumpay sa kanyang pagpapatiwakal? Una, kailangang malambot at mabuto ang kaliwa at kanang palad. Ibig sabihin, halos hindi niya dama na wala na siyang silbi sa mundo. Bagkus, ang totoong laman ng kanilang unconscious na pagkatao ay ang kawalan ng pag-asa at labis na depresyon. Mag-suicide man ang ganitong uri ng indibidwal at hindi natuluyan, masasabing sa sakit o labis na depresyon naman siya mamamatay. Kumbaga, ayaw na ng unconscious na katawan o pagkatao na mabuhay, kaya sa huli, sakit o karamdaman ang kanilang ikakamatay. Sa maikling salita, kapag manipis at mabuto ang kaliwa at kanang palad, at maraming guhit, kahit makaligtas sa pagsu-suicide, hindi maipaliwanag na karamdaman naman ang tatapos sa kanilang buhay. ‘Ika nga, mawawalan sila ng will to live hanggang sa manghina ang kanilang immune system, at kapag dinapuan ng karamdaman, tuluyan siyang mararatay sa banig ng karamdaman at mamamatay.
Ang ikalawang palatandaan kung magtatagumpay ang indibidwal na magtatangkang mag-suicide ay bukod sa mahaba, sloping o bumibilog sa bandang dulo ang Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow a.) na nakatuntong sa Bundok ng Imahinasyon o Mount of Luna (arrow b.). Kung ganito ang palad ng girlfriend mo, isa pang pagtatangka, lalo na kung siya ay may birth date na 4, 13, 22, 31, 1, 10, 19 at 28 —mga Taong Uno (1) at Taong Kuwatro (4) ang madalas mag-isip o maglaro sa isipan nila ang tangkang pagpapatiwakal, habang ang pumapangalawa sa kanila ay ang mga Taong Otso (8), Taong Dos (2) at Taong Siete (7) — sila ang karamihan sa mga nagtatagumpay magpatiwakal.
Habang, ang kadalasan namang nabibigo sa pagsu-suicide, pero nagtatangka rin ay ang mga nagtataglay ng 2, 11, 20, 29, 7, 16, 25, 8, 17 at 26, sapagkat sila, tulad ng nasabi na ay talagang walang suwerte at bigo sa buhay, kaya pati sa pagpapakamatay ay bigo pa rin sila. Hindi tulad ng mga Taong Kuwatro at Uno, palagi silang may suwerte at tagumpay, kaya maging sa huling yugto ng kanilang buhay o ang layuning magpatiwakal, sila ay matagumpay.
Pero tulad ng nasabi na, ang birth date na inilarawan itaas ay pangalawa lamang sa tinitingnan kung magtatagumpay ang isang indibidwal na magtatangkang magpakamatay. Ang mas malinaw na tinitingnan ay ang very sloping at kumurbang pabilog na mahabang Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow a.) sa kaliwa at kanang palad.
MGA DAPAT GAWIN
Mahirap namang asawahin ang tao na hindi mo mahal. Kaya tama ka, JR, kung hindi mo naman talaga mahal ang isang babae, ipaliwanag mo sa kanya na kahit magkatuluyan kayo ay baka hindi rin kayo maging maligaya.
Sa kabilang banda, ang pinakamahirap sa lahat ay ang pag-aasawa na pinilit ka lang o hindi ka naman willing na pakasalan ang isang babae, pero ginawa mo pa dahil sa bandang huli, posibleng mambabae ka lang.
Samantala, anuman ang mangyari, ang nakakatuwa sa kaliwa at kanan mong palad ay ang malinaw at maayos o magandang ikalawang Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow c.). Ito ay nagsasabing, kahit sino ang mapangasawa mo sa mga girlfriend mo ngayon, may pangako pa rin ng maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.
Comments