ni Lolet Abania | December 15, 2021
Patay ang flight instructor habang sugatan isang student pilot matapos na ang Cessna 152 aircraft ay bumagsak nang pababa na ito sa Pangasinan ngayong Miyerkules, ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
Sa isang statement ng CAAP, ang nasabing aircraft ay nagmula sa Fly Fast Aviation Academy.
Nagtamo ng matitinding sugat na nagresulta sa pagkasawi ng pilot-in-command habang ang estudyanteng piloto ay naisugod naman sa malapit na ospital sa Alaminos at agad na isinailalim sa medical treatment.
Ayon sa CAAP, ang aircraft ay lumipad mula sa Lingayen Airport bandang alas-8:22 ng umaga para sa isang orientation flight.
Agad namang idineploy ng CAAP Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board (AAIIB) ang Go Team sa crash scene upanag madetermina ang dahilan ng pagbagsak ng aircraft.
“More information is expected to follow upon the examination of the crash scene. The names of the persons on board the aircraft have been withheld pending notification to their next of kin,” ayon pa sa CAAP.
Comments