Dear Roma Amor - @Life & Style | December 10, 2020
Dear Roma,
Ako si Judy, 25. Nai-stress ako lately kung paano paghahandaan ang pagtanda ng parents ko, gayundin ang future ko. Nasa P18,000 lang ang suweldo ko every month, tapos may pinapaaral akong kapatid na first year college pa lang.
Kahit gustuhin kong paghandaan ang future ko, mali ba akong ma-stress sa pagtanda ng parents ko dahil wala silang ipon?
Hindi ako nakakapagbigay sa kanila ngayon dahil sa expenses sa pag-aaral ni kapatid. Hindi ko alam kung saan magsisimula at kung kakayanin ko ang gastusin sa future. —Judy
Judy,
Well, hindi naman obligasyon ng mga anak na buhayin ang kanilang mga magulang, pero sa kaso mo, parang gusto mo silang matulungan hanggang sa pagtanda nila. Ang maipapayo natin ay kung medyo malakas pa naman sila, tulungan mo silang magkaroon ng pagkakakitaan kahit maliit lang. Puwedeng sari-sari store o magtinda sila ng mga merienda para kahit paano ay malibang din sila.
Siguro, gawin mo ring lesson ang sitwasyong ito para paghandaan ang iyong pagtanda, nang sa gayun ay hindi ka aasa sa magiging anak mo. Kaya mo ‘yan, girl. Good luck!
Komentáře