top of page
Search
BULGAR

Stress sa toxic workmates… Kelot na balk mag-resign, sa abroad uunlad

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon Sa Palad | Oct. 24, 2024



Kapalaran Ayon Sa Palad

KATANUNGAN

  1. Ang itatanong ko sa inyo ay tungkol sa Fate Line ko. Kapag ba huminto ang Fate Line, ibig sabihin ba nito ay mawawalan ako ng trabaho?

  2. Nagtatrabaho ako ngayon sa isang telecommunication firm, pero dahil sa dami ng intriga, balak ko na sanang mag-resign at mag-apply na lamang sa abroad. ‘Yun iba ko kasing mga kasamahan na nag-resign ay nasa abroad na ngayon at naging maganda naman ang buhay nila roon. Pero dahil nga huminto ang Fate Line ko, kinakabahan tuloy ako na baka kapag nag-resign ako, wala na kong ibang mapasukan. 

  3. Ano ba ang dapat kong gawin? Dapat bang manatili na lang ako rito sa kasalukuyan kong trabaho, o maglakas loob na mag-resign at mag-apply sa abroad? 

  4. Ang isa ko pang katanungan ay may maganda bang Travel Line sa aking palad?

 

KASAGUTAN

  1. Tama ka, Alvin, bigla ngang huminto ang Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow a.), at ‘di sinasadyang tumama sa Head Line (H-H arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay malinaw na tanda na dahil sa maling pagdedesisyon o pagpapasya mo, mawawalan ka ng career o hanapbuhay, ngunit ito ay pansamantala lamang, dahil ang humintong Fate Line (arrow a.) matapos mabangga ang Head Line (arrow b.) ay bahagya ring nawala. Gayunman, pagkatapos nito mawala ay muli rin naman itong lumitaw at gumuhit (arrow c.) sa tama at dati nitong tinatahak na direksyon – sa Bundok ng Pag-unlad (arrow d.), na nangangahulugan lamang na hindi na nga maiiwasang mawalan ka ng trabaho.

  2. Kung saan, matapos ang isa, dalawa o tatlong taon, muli kang makakasumpong ng isang maunlad at asensadong trabaho, na maaaring maganap sa ibang bansa na kinumpirma ng pagsulpot ng malawak at mahaba-haba mong Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow e.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay malinaw na tanda na matapos kang mawalan ng trabaho, malaki ang tsansa na sa ibang bansa ka na makakapagtrabaho, at du’n ka na rin aasenso at tuluy-tuloy na uunlad. 

 

MGA DAPAT GAWIN

  1. Kapag ang Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow a.) ay huminto matapos mabangga ang Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow b.) sa kaliwa at kanang palad, ang ibig sabihin nito ay mawawalan ng trabaho o hanapbuhay ang nasabing indibidwal.     

  2. Sa kaso mo, Alvin, ayon sa iyong mga datos, mapalad ka sapagkat matapos na huminto ang iyong Fate Line (arrow a.) at mabangga sa Head Line (arrow b.), ito ay muling nagpatuloy at nakarating sa Bundok ng Pag-unlad (arrow d.) na nangangahulugan lamang na pansamantala ka lang mawawalan ng trabaho. Subalit makalipas ang isa, dalawa hanggang tatlong taong pagkabakante, muli kang makakapagtrabaho sa ibang bansa (t-t arrow e.) at ang pagtatrabahong ito sa ibang bansa ang siya na ring magiging simula para lalo pang umunlad at umasenso ang buhay ng iyong pamilya, lalo na sa larangan ng materyal na bagay na nakatakdang mangyari sa taong 2025 o 2026.


Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page