ni Dr. Shane Ludovice - @Sabi ni Dok | March 29, 2021
Dear Doc. Shane,
Ako ay 35 years old may dalawang anak, worried ako ngayon dahil napansin ko ang paglaki ang aking tiyan gayung hindi naman ako buntis at hindi rin ako malakas kumain. Ano kaya ang dahilan nito? – Mariz
Sagot
Narito ang ilan sa posibleng dahilan ng paglaki ng tiyan kung hindi naman buntis:
Stress. Kapag nakararanas ng sobrang stress, ang katawan ay naglalabas ng cortisol. Ang cortisol ang dahilan para maipon ang taba sa tiyan.
Pagkain ng maalat. Kapag sobra sa asin ang katawan, humihina ang kakayahan nitong tumunaw ng fats na kadalasan ay naiipon sa tiyan.
Kulang sa sex. Ayon sa American Psychological Association, nagkakaroon ng hormonal imbalance ang tao kapag kulang o wala siyang sexual activity. Belly fat ang resulta ng imbalance.
Mabilis kumain. Mas mabilis, mas maraming calories ang nakokonsumo na nagpaparami ng fat cells.
Kulang sa protina ang kinakain. Nagiging magutumin kapag kulang sa protina kaya ang tendency ay kumain nang kumain.
Kulang sa tulog. Kapag kulang sa tulog, tumatakaw ang tao sa matatamis na mabilis magpataba.
Kulang sa fibers. Ang fibers ang nagtatanggal ng fat cells sa stomach linings, at saka ito lalabas sa katawan sa pamamagitan ng pagdumi.
Palaging nakaupo. Kahit pa healthy ang iyong kinakain, marami pa rin fat cells ang maiipon sa iyong tiyan kung palaging nakaupo.
Kakaunting uminom ng tubig. Ang resulta ay hindi regular na pagdumi.
Comments