top of page
Search
BULGAR

Stress at anxiety, dahilan kung bakit lumalaki ang tiyan pagkatapos kumain

ni Dr. Shane Ludovice - @Sabi ni Dok | February 16, 2021





Dear Doc. Shane,


Madalas akong bloated o malaki ang tiyan pagkatapos kumain, ano ba ang karaniwang sanhi at maaaring gawin para ito ay maiwasan? – Felix


Sagot


Karamihan sa bloated ay nakararamdam din ng pamamaga at pagsikip sa bahagi ng tiyan bukod pa sa pakiramdam na parang palaging busog o walang gana kumain.

Sa ilang pagkakataon, tila mas marami silang nailalabas na hindi magandang hangin. Samantalang may ilang tao rin na nakararanas ng tila namamagang sikmura at parang inaantok sa tuwing kakain ng pagkaing maalat o mayaman sa carbohydrates.


Sanhi:

  • Stress at anxiety. Malaki ang epekto ng stress at anxiety sa digestive system dahil maaari nitong pabagalin ang pagtakbo ng bituka.

  • Constipation. Maraming sanhi ang constipation kabilang na ang dehydration, pagdadalangtao, kakulangan ng fiber sa katawan, pag-inom ng gamot na constipation ang side-effect at biglaang pagpapalit ng lifestyle at diet.

  • Gastroparesis. Ang gastroparesis o stomach paralysis ay nagaganap kapag ang sikmura ay hindi matunawan ng pagkain sa normal na paraan. Ito ay nagdudulot ng pagkagambala sa natural na proseso kaya nauuwi sa pamamaga ng tiyan, pagkahilo’t pagduduwal, paninikip at pananakit ng dibdib, at pagususuka.

  • Irritable bowel syndrome (IBS). Ito ay grupo ng mga sintomas na nakakaapekto sa gastrointestinal tract at kabilang ang pananakit at pamumulikat ng tiyan na may kasamang constipation at diarrhea, pamumuo ng white mucus sa dumi, at pamamaga ng sikmura.

  • Small intestinal bacterial overgrowth (SIBO). Kung nakararanas ng bloated at gassy stomach, pagtatae o paninigas ng dumi, pananakit ng tiyan, pagduwal, at pagkahapo, posibleng mayroong SIBO. Nagdudulot ito ng mabagal na paggalaw sa maliit na bituka kaya hindi maitulak nang tama ang pagkain sa digestive tract.

Home remedies:

  • Pagbabawas sa konsumo ng processed foods na kadalasan ay mataba at maalat

  • Pag-iwas sa stress o anxiety

  • Pagtigil sa paninigarilyo at madalas na pag-inom ng alak

  • Pagkonsumo ng mas kakaunting dami ng pagkain sa tanghalian at hapunan

  • Mabagal at pagnguya nang maigi ng pagkain

  • Regular na pag-inom ng sapat na dami ng tubig sa buong araw

Paano masasabi kung dapat nang magpatingin sa doktor?

  • Hindi maipaliwanag na pagbaba ng timbang

  • Abnormal na kulay at kadalasan ng pagdumi

  • Kawalan ng gana kumain at mabilis makaramdam ng pagkabusog

  • Madalas at malalang pananakit ng tiyan

  • Pagdurugo sa ihi o dumi

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page