ni Imee Marcos - @Imeesolusyon | July 14, 2021
Pang-walong magkakasunod na linggo na itong oil price hike. At hindi natin maisasantabi ang dagdag-pasanin at pag-angal ng ating mga kababayan.
Eh, kahit kasi lumuwag ng kaunti ang restriksiyon sa community quarantine, marami pa ring walang trabaho at walang pinagkakakitaan. Kaya dagdag-pahirap ang oil price increase sa gastusin ng ating mga kababayan.
Hay talaga naman, pahirap na nang pahirap ang buhay! At ang panibagong oil price hike ay awtomatikong may domino-effect na pagtaas-presyo ng mga bilihin, pasahe, agrikultura at iba pang essentials. Juicekoday!
Paano na lang ang mga super-hirap na halos wala nang makain? Nitong Martes, nagmahal ang gasolina ng P1.15 kada litro, P0.60 naman sa kada litro ng diesel at P0.65 sa kada litro ng kerosene. Pero kung pagsamahin lahat ng price hike mula Enero, pumalo na sa P13 kada litro ang itinaas ng gasolina, P10 naman sa kada litro ng diesel, at P9 sa kada litro ng kerosene.
Hindi natin mapigilan pa sa ngayon ang oil cartel, na matagal na nating sakit sa ulo. Automatic nang magmamahal ngayon ang bilihin.
In the meantime, IMEEsolusyon para maibsan ng kaunti ang bigat ng krisis na dulot ng oil price hike, makabubuting suspendihin na muna nang isang taon ang Value Added Tax sa oil products.
Siguradong malaking ginhawa ito sa ating motorista, konsiyumer at naghihikahos nating mga kababayan. ‘Di ba? Lalo na’t hindi pa natin batid kung kailan matitigil ang pamemerwisyo ng pandemyang ito! Ewan ko nga ba, parami nang parami ang variant ng Covid-19, ‘kaloka!
Harinawa’y ikonsidera ng ating kinauukulan ang suspensyon sa VAT. Lalo na’t wala nang mahuhugot pa ang ating mga konsiyumer at motorista, talagang super-said na ang bulsa!
Commentaires