@Editorial | September 12, 2021
Pinalawig pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ng hanggang Setyembre 2022 ang state of calamity sa buong bansa dahil sa COVID-19. Layon ng pagpapalawig ng state of calamity ay para maipagpatuloy ng gobyerno ang kanilang COVID-19 vaccination program at paggamit ng nararapat na pondo kabilang ang Quick Respond Fund. Nakasaad din sa Proclamation 1218 ang pag-atas sa mga awtoridad na i-monitor at kontrolin ang presyo ng mga basic necessities at prime commodities na magbibigay ng basic services sa mga tao.
Matatandaang, unang inilagay ang bansa sa anim na buwan na state of calamity dahil sa COVID-19 pandemic noong Marso 2020, hanggang pinalawig ito sa katapusan ng Setyembre ngayong taon.
Sa pamamagitan nito, umaasa tayong tuluy-tuloy ang paglaban sa pandemya at magiging mas mabilis na ang pamimigay ng ayuda at maglalatag ng solusyon.
Bagama’t non-stop naman ang pagtaas ng kaso ng nagpopositibo sa COVID.
Batay sa ulat ng Department of Health kahapon, muling nakapagtala ng record breaking na bagong kaso ng COVID-19, na nasa 26, 303. Sa ngayon, umabot na sa 2, 206, 021 ang naitalang kaso ng COVID sa bansa. Tila magkakatotoo ang pagtaya na papalo sa mahigit 40, 000 kaso kada araw ang maitatala.
Sa kabila ng mga paghihigpit, talagang kumakalat ang virus. Kaya dapat na mas dagdagan ang pag-iingat at disiplina.
Comments