ni Lolet Abania | May 24, 2022
Isinailalim ng lokal na mga awtoridad sa state of calamity ang isang barangay sa Surallah, South Cotabato dahil ito sa cholera outbreak.
Sa ulat ng GMA News, ang naturang lugar na tinamaan ng cholera outbreak ay Barangay Colongulo.
Sampung residente ang isinugod sa ospital matapos makaranas ng diarrhea. Gayundin, apat sa mga ito ay nagpositibo sa test sa cholera.
Habang isang 9-anyos na bata ang namatay, ayon pa sa mga awtoridad. Batay sa committee on health ng local government unit (LGU) ng lugar, ang coliform bacteria ay na-detect sa pinagmumulan ng tubig na ginagamit ng mga residente para sa kanilang inuming tubig. Ilang banyo naman sa mga sitio ay nagkakaroon din ng mga problema.
Commentaires