top of page
Search
BULGAR

Start na uli ang PBA, 8 teams ang lalarga

ni ATD - @Sports | November 3, 2020




Balik ang aksiyon sa PBA bubble ngayong araw matapos ihinto ang laban noong Biyernes ang lahat ng mga larong naka-iskedyul.


Dahilan ng pagkansela ay upang masiguro ang kaligtasan ng mga players, coaching staffs at officials sa mapanganib na coronavirus (COVID-19).


Maraming laro na ang nakansela dahil sa COVID-19 kaya para masunod pa rin ang target date ng pagtatapos ng elimination round ng Philippine Cup ay apat na laro ang ilalarga ngayong araw.


Maglalaban sa alas-10 ng umaga ang Blackwater Elite at San Miguel Beer habang kaldagan sa ala-una ng hapon ang Phoenix FuelMasters at TerraFirma Dyip.


Sa pangatlong laro, maghaharap ang NorthPort Batang Pier at TNT Tropang Giga sa alas-4 ng hapon at sa ala-6:45 ng gabi ay banatan naman ng Barangay Ginebra Gins Kings at Alaska Aces. Nasa tuktok ng team standings ang Tropang Giga tangan ang 5-1 karta habang 1-4 ang baraha ng Batang Pier.


Lahat ng laban ay mananatiling sa Clark sa Pampanga ikakasa kung saan ay may bagong protocols ang ipatutupad para maiwasan na makapitan ng coronavirus.


Nagkagulo sa bubble ng mapabalitang nagpositibo sa COVID-19 ang isang referee at isang player ng Blackwater.


Samantala, isa sa aabangan ng fans ang laban ng crowd favorite na Gin Kings. Galing sa dalawang sunod na talo ang Ginebra kaya tiyak na sisikapin nilang tuldukan ang kanilang kamalasan at kunin ang panalo sa Aces.


Subalit determinado ang Aces na talunin ang Ginebra. "If we want to be in the Top Four we're going to have to compete and beat big teams like Ginebra," pahayag ni Alaska head coach Jeff Cariaso.

0 comments

Recent Posts

See All

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page