ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 1, 2021
Nahilo ang isang male auxiliary staff ng Veterans Memorial Medical Center (VMMC) matapos mabakunahan ng Sinovac COVID-19 vaccine kahapon. Agad din naman itong dinala sa emergency room upang maobserbahan.
Pahayag ni Dr. Ramon Mora, post-vaccination observation team leader ng VMMC, walang dapat ikabahala sa insidente.
“‘Yung isa kasi ru'n kanina, ru’n pa lang sa loob, mukhang anxious na siya, eh. Pero ‘yung takot (nakadagdag-nerbiyos)… kasi nu’ng in-screen naman ‘yun du’n, wala, eh,” paliwanag ni Dr. Mora.
Naglagay na rin ang VMMC ng makeshift tent na nagsisilbing post-vaccination observation station at naka-standby na rin ang mga ambulansiya para sa mga mababakunahang magkakaroon ng matinding reaction.
Sinimulan ang pagbabakuna sa mga empleyado ng VMMC ngayong Lunes.
Samantala, si VMMC Nursing Supervisor Gemma Dr. Colcol ang unang nabakunahan at sinundan siya ng spokesperson ng ospital na si Dr. Johann Giovanni Mea bago nagpabakuna ang iba pang empleyado at opisyal.
Comments