top of page
Search
BULGAR

Staff ng PGH, pinarangalan ni P-Du30 dahil sa sunog

ni Mary Gutierrez Almirañez | June 3, 2021




Ginawaran ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Order of Lapu-Lapu ang ilang magigiting na staff ng Philippine General Hospital (PGH) kaugnay ng naganap na sunog kamakailan sa pagamutan.


Kabilang dito ang mga staff na mas inunang i-evacuate ang mga bagong panganak na sanggol at pasyente bago ang sarili.


Kinilala ni Pangulong Duterte sina:


• Surgeon Dr. Rodney Dofitas

• Residents Dr. Alexandra P. Lee and Dr. Earle Ceo Abrenica

• Nurses Esmeralda Ninto, Jomar Mallari, Kathrina Bianca Macababbad, Phoebe Rose Malabanan, Nurses Quintin Bagay, Jr.

• Safety officers Joel Santiago at Ramil Ranoa.


Ang Order of Lapu-Lapu ay iginagawad sa mga tauhan ng gobyerno at private sector na nagpamalas ng kakaibang serbisyo at kontribusyon sa ilalim ng adbokasiya at administrasyon ni Pangulong Duterte.


Matatandaang naganap ang sunog sa ikatlong palapag ng PGH nitong May 16, kung saan mahigit P50 million ang naging pinsala sa ospital. Wala namang iniulat na nasugatan at maayos ang naging evacuation process dahil sa pagtutulungan.

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page