ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Jan. 9, 2025
DAPAT IMBESTIGAHAN ANG CONFI FUNDS NG DAVAO CITY AT MAKATI CITY, BAKA MGA ‘BENEFICIARY’ WALA RING BIRTH RECORDS SA PSA -- Top o number 1 ang Davao City sa laki ng ginastos na confidential fund na pumalo sa halagang P530 million at pumangalawa ang Makati City na umabot sa P240 million ang ginasta sa confi fund.
Kung walang plano sina Davao City Mayor Baste Duterte at Makati City Mayor Abby
Binay na ipaliwanag sa publiko kung saan nila ginastos ang daan-daang milyong pisong ito na public funds, dapat ay imbestigahan din ito ng Quad Committee ng Kamara kasi baka ang mga naging “beneficiaries” ng mga confidential funds ng Davao at Makati Cities ay tulad din ng “beneficiaries” ng confi funds ni Vice Pres. Sara Duterte-Carpio na ayon sa ibinulgar ng PSA ay mga walang “birth records,” period!
XXX
MALAMANG PAGBABA NI PBBM SA PUWESTO SA 2028 MAS MALAKI ANG IIWAN NITONG UTANG KAYSA KAY EX-P-DUTERTE -- Inanunsyo ng Bureau of Treasury (BOT) na pumalo na sa higit P16.09 trillion ang utang ng Pilipinas sa iba’t ibang financial institution sa mundo.
Ang laki na ah, samantalang nang bumaba sa puwesto si ex-P-Duterte ang iniwang utang nito sa bansa ay higit P12 trillion, pero ngayon ang utang ng ‘Pinas ay higit P16 trillion na.
Diyan makikita na kapag bumaba na sa poder si Pres. Bongbong Marcos (PBBM) sa June 30, 2028, ay lubog na tayo at mas malaki ang iiwan nitong utang ng bansa kaysa sa iniwang utang ni ex-P-Duterte, tsk!
XXX
KAYA MARAMING PINOY ANG NAGKAUTANG DAHIL SUNUD-SUNOD ANG PAGTAAS NG PRESYO NG MGA BILIHIN AT BAYARIN -- Matapos ianunsyo ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na dumami o pumalo sa 23.6 na mga Pinoy ang nangutang sa mga bangko at iba pang financial institution sa ‘Pinas last year ay isinapubliko naman ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nitong nakalipas na December 2024 ay tumaas ng 2.9% ang presyo ng mga bilihin at bayarin. At sa data rin ng PSA, nagsimulang tumaas ang inflation rate noong October 2024 ng 2.3%, pagsapit ng November 2024 mas tumaas pa ito ng 2.5% at last December 2024 nga, pumalo na sa 2.9% ang itinaas ng inflation rate.
Ibig sabihin, kaya maraming Pinoy ang mga nangutang at nagkautang last 2024 ay dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at bayarin sa panahon ng Marcos administration, boom!
XXX
SA MALACANANG PA NAGPA-PRESSCON ANG SSS PRESIDENT PARA BUWISITIN ANG MGA SSS MEMBER SA WALANG ATRASANG CONTRIBUTION HIKE -- Nagtungo kamakalawa sa Malacanang si Social Security System (SSS) President Joseph Robert De Claro at matapos na magkaroon sila ng meeting ni PBBM ay nagpatawag siya ng presscon.
Inakala ng mga mamamahayag na iaanunsyo ni De Claro na hindi na itutuloy ang pahirap na 15% SSS contribution sa mga member, eh ‘yun pala kaya siya nagpatawag ng presscon ay para panindigan na tuloy at walang atrasan ang isasagawa nilang implementasyon sa dagdag na monthly butaw sa mga miyembro ng SSS.
Patunay ‘yan na si PBBM ang may gustong itaas sa 15% ang monthly butaw ng mga SSS member, kasi nga sa Malacanang pa nagpa-presscon si De Claro para buwisitin sa SSS contribution hike ang mga miyembro, tsk!
Comments