ni Fely Ng @Bulgarific | April 13, 2023
Hello, Bulgarians! Isinulong kamakailan ng Social Security System (SSS) ang mga benepisyo ng social security coverage sa mga residente ng Sitio Tubigan, Bgy. Paghahambing, Antipolo City.
Sa isang caravan na pinasimulan ng UPLIFT Philippines Microfinance, Inc., kinausap ni SSS Public Affairs and Special Events Division (PASED) Head Carlo C. Villacorta ang mga residente ng nasabing sitio at idiniin ang kahalagahan ng SSS self-employed membership at pagbabayad ng kontribusyon upang maging karapat-dapat sa iba’t ibang benepisyo at loan program ng SSS.
“We like visiting self-employed workers in their communities, most especially those in the informal sector, because we really want to make sure that they are aware of SSS programs and convince them to invest some time and effort to register with the SSS and pay contributions as self-employed members. Self-employed members of SSS are now covered by the Employees’ Compensation Program – providing for additional benefits in case of work-related contingencies,” saad ni Villacorta.
Upang tapusin ang maikling dayalogo, hinimok ni Villacorta ang mga dumalo na ibahagi ang kanilang natutunan sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan na self-employed din, upang malaman ng mga ito ang mga benepisyo ng pagiging miyembro ng SSS.
Tinulungan din ng mga empleyado ng SSS mula sa Cooperatives and Informal Sector Department (CISD) at SSS Antipolo Branch ang mga residente ng Sitio Tubigan sa kanilang mga transaksyon sa SSS sa maghapong kaganapan.
Para bisitahin ng SSS ang iyong komunidad, mangyaring magpadala ng imbitasyon sa pamamagitan ng pag-email sa cisd@sss.gov.ph.
Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.
Comments