ni Fely Ng - @Bulgarific | February 20, 2021
Hello, Bulgarians! Isang napakasayang araw ang balitang ini-release ng Social Security System (SSS) ang ikalawang batch ng pensiyon para sa Pebrero 2021 na nagkakahalaga ng P5.2 bilyon, sa pamamagitan ng Philippine Electronic Fund Transfer System and Operations Network (PESONet) at iba pang mga checkless disbursement channel.
Makikinabang sa pension fund ang 1.1 milyong pensyonado na ang date of contingency ay mula ika-16 hanggang sa huling araw ng buwan, ang mga sakop sa batch na ito ay maaaring mag-withdraw mula Pebrero 16 sa pamamagitan ng PESONet participating bank, e-wallet, at mga sangay ng M Lhuillier.
Ang unang batch para sa pensiyon ng Pebrero 2021 na may kabuuang halaga na P6.5 bilyon ay inirelease noong Pebrero 1, 2021, sa pamamagitan ng parehong pamamaraan ng pag-disbursement. Saklaw sa unang batch ang 1.5 milyong pensiyonado na ang date of contingency ay mula sa ika-1 hanggang ika-15 araw ng bawat buwan.
Samantala, ang mga pensiyonado na tumatanggap pa rin ng kanilang pensiyon sa pamamagitan ng mga tseke o non-PESONet participating bank ay matatanggap ang kanilang pensiyon ngayong Pebrero 2021 kasunod sa dating disbursement iskedyul na batay din sa kanilang date of contingency.
Para naman sa mga karagdagang impormasyon tungkol sa bagong paraan ng disbursement at iskedyul ng SSS na ipinatupad simula Oktubre 2020, basahin ang SSS Circular No. 2020-024 at 024-b sa https://bit.ly/2GiGRs6 at https://bit.ly/2I2GW3I ; at sundan ang SSS sa Facebook sa "Philippine Social Security System," Instagram sa "mysssph," o Twitter sa "PHLSSS;" o sumali sa SSS Viber Community sa "MYSSSPH Updates."
Comments