top of page
Search
BULGAR

Nissan GTR Sports car, nag-dive sa dagat!

ni Lolet Abania | April 25, 2022



Nagkagulo ang mga nagsidalo sa isang racing event matapos na mag-dive ang isang sports car sa dagat sa Cebu City.


Sa salaysay ng isang uploader ng video, nangyari ang insidente sa unang araw ng Burning Rubber Cebu Invitational Drag Race 2022 na ginanap sa South Road Properties, isang reclaimed area malapit sa baybayin ng southern district ng Cebu City. Subalit, hindi kasama ang Nissan GT-R sports car sa racing event.


Ayon sa mga awtoridad, posibleng nakalimutan ng may-ari ng sports car na i-hand brake ito nang kanyang iwan habang naka-park sa tabing-dagat.


Umatras ang sports car at dire-diretso ito sa dagat.


Batay pa sa ulat, inabot ng 30 minuto bago naiahon ang sports car sa tubig.

Wala namang nasaktan sa insidente.



Recent Posts

See All

1 Comment


mygtr
Apr 26, 2022

That's my car😅

Like

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page