top of page
Search

Spoiled daw at asikasung-asikaso… SARAH, KUMANTANG IPINAGLULUTO NI MATTEO

BULGAR

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | September 1, 2020



Kitang-kita ang pagmamahal na meron sa isa’t isa ang mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli sa katatapos lamang na first online concert nila para sa Share the Love charity project ng Lander’s Supermarket.


Sa isang parte ng concert ay nagpasalamat ang mag-asawa sa isa’t isa at sa totoo lang, ngayon lang namin nakita si Sarah na ganito ka-vocal sa kanyang nararamdaman.


Si Matteo muna ang unang nagpasalamat sa misis. Aniya, "Thank you very much for being you all the time, and not faking who you are, not just to me but to my family and to our friends.


“Sometimes, you always tell me, ‘Love, hindi ako ganyan, hindi ako ganyan,’ but I trust in you and I trust in God that you’re learning every single day to be a stronger woman every single day.


“And I love you for that because you’re learning about life every single day and you’re becoming a stronger, more independent, bulletproof woman every single day and I am seeing it from my own eyes.


“So, I’m very proud of you and I will love you for the rest of my life. I love you, Love,” pahayag ni Matteo at ginawaran ng masuyong halik sa pisngi ang asawa.


When it was Sarah’s turn to speak, naging emosyonal si Popstar Royalty. At nakakatuwang malaman kung paano namang mister si Matteo since mostly ay ang aktor ang naririnig nating nagsasalita about his wife.


“To you, Love, thank you for everything. 'Yung mga simpleng bagay lang na gina-guide mo ako, ina-assist mo ako whenever I work from home, nu'ng nag-lockdown, ikaw ang nag-aasikaso ng camera, ng ilaw, grabe 'yung efforts mo at saka walang hinihinging kapalit ‘yun every time you do it. You just do it out of love and not obligation.


“So, naa-appreciate ko ‘yun, sobra kong naa-appreciate lahat ‘yun kahit hindi ko nasasabi sa ‘yo,” pahayag ni Sarah.


“And what else?” tila nag-iisip pang sabi niya pero gumaralgal na ang boses, “Parang maiiyak naman ako!” she said.


At pagkatapos ay ibinahagi niya kung gaano siya ka-spoiled kay Matt.


“Alam n’yo po, spoiled ako dito kay Matt kasi ‘yung babae kasi, ang role is siya ‘yung nagluluto all the time, nag-aasikaso sa asawang lalaki, pero baligtad sa amin. Tingnan natin after 10 years,” natatawang naluluhang sabi ni Sarah.


Kontra naman ni Matteo, “Hindi naman, hindi naman baligtad.”


Patuloy ni Sarah, “Siya ‘yung maasikaso talaga, nagluluto. May efforts naman ako, Love, 'no?”


Sagot naman ni Matt, “Of course.”


Sa bandang huli ay hindi rin nakalimutang pasalamatan ng mag-asawa ang kanilang magulang.


“And of course, to our families, we love you. To my daddy, my mama, Ate Cheng, Ate Shine, Gab, at sa lahat ng aking my dogs, I love you all so, so, so, so much,” sey ni Sarah.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page