top of page
Search
BULGAR

Speed Skater Groseclose, nag-flex na sa Gangwon

ni GA @Sports | January 18, 2024


Photo : POC / FB


Agad na nagsanay si Filipino-American short track speed skater Peter Groseclose kasunod ng pagtuntong nito sa Youth Olympic Village sa Gangneung Wonju National University kahapon sa ilalim ng pangangasiwa ni Olympian coach John-Henry Kruege sa Gangneung Ice Arena para sa Winter Youth Olympic Games sa Gangwon, South Korea.

 

Hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang 16-anyos na Fil-Am skater matapos dumating sa Seoul makalipas ang tatlong araw, hindi na nagsayang ng mga sandali at dali-daling tumuntong ng Mokdong ice rink upang magsanay bago ang laban sa Biyernes.

 

I’m very honored and grateful to become part of the Winter Youth Olympic Games representing the Philippines,” wika ni Groseclose, anak ni American author at propesor na sina Timothy at Victoria. “I think it will be a great experience and I’m very excited.”

 

Ang Fil-Am teenager ang unang sasabak sa tatlong Pinoy na atleta na nagkwalipika sa Winter Games para sa lalahukang 1,500 meters sa Sabado, 1000 meters sa Linggo at 500 meters sa Lunes.

 

Parte ang Fil-Am skater sa 36 na kalahok sa short track speed skater katapat ang host na South Koreans na paboritong muling magdomina sa kompetisyon kasunod ng paghahari sa apat na events sa Innsbruck 2012 at Lausanne 2020, habang puntirya rin nitong makapasok sa 2026 Milano Cortina Italy Winter Olympics. “That’s a goal of mine—to represent the Philippines in the 2026 Olympics,” saad ng 11th grader sa Oakton High School sa Virginia, sa Amerika.

 

Ayon sa inang si Victoria, na tubong Alabang, Muntinlupa, maingat na ginagabayan ni Krueger ang anak, nang unang katawanin ang  U.S. sa Pyeongchang 2018 games at naging naturalized Hungarian sa Beijing, makalipas ang dalawang taon.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page