ni Gerard Arce @Sports | March 2, 2024
Mga laro ngayon (Sabado) (Philsports Arena, Pasig City)
2 n.h. – Galeries vs Cignal
4 n.h. – PLDT vs Petro Gazz
6 n.g. – Choco Mucho vs Chery Tiggo
Pare-parehong hangad ng PLDT High Speed Hitters, Choco Mucho Flying Titans at Chery Tiggo Crossovers na mapanatili ang maagang liderato sa single-round robin na eliminasyon ng matinding aksyon na hatid ng 8th Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference 2024 ngayon sa Philsports Arena sa Pasig City.
Kapwa nailista ng tatlong koponan ang 2-0 rekord kasama ang reigning at defending champion na Creamline Cool Smashers sa four-way tie, subalit hanap ng bawat isa na mapanatili ang paggiya sa liderato sa pakikipagharap ng PLDT magbabawing Petro Gazz Angels habang maghihiwalay ng landas ang Flying Titans at Crossovers. Plano namang ikonekta ng Cignal HD Spikers ang back-to-back panalo laban sa Galeries Highrisers sa triple-header.
Bumida para sa PLDT sa straight set 25-17, 25-23, 25-22 panalo kontra NXLed Chameleons si last season best scorer Savannah Dawn Davison na lumikha ng triple-double sa 13 puntos. Makakatulong ng Fil-Canadian sina middle blocker Jessey De Leon, Majoy Baron, Fiola Ceballos Kiesha Bedonia, Erika Santos, Jules Samonte at setter Kim Fajardo.
Epektibo ang mahuhusay na sets ng bagong playmaker ng Choco Mucho Flying Titans na si Marionne “Mars” Alba upang masikwat ang pagsosyo sa liderato matapos mamahagi kabuuang 25 excellent sets Angels sa dikdikang 24-26, 25-22, 25-18, 24-26, 15-13 noong Martes upang mabiyayaan ang limang manlalaro ng doble pigura sa pangunguna ni high-flying MVP Cherry Ann “Sisi” Rondina sa 24pts.
Gayunpaman, hindi pa rin umano kuntento sa ipinapakitang laro ang 5-foot-7 playmaker mula sa DLSU Lady Spikers na patuloy pa ring inaaral ang sistema ni coach Dante Alinsunurin, gayundin ang pag-alalay sa puwesto ni Deanna Wong na unti-unting ibinabalik ang laro dulot ng injury.
Comentarios