top of page
Search

SP Chiz, nag-iiba na ang tono sa bangayang Marcos at Duterte

BULGAR

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Mar. 27, 2025



Prangkahan ni Pablo Hernandez

SINABAYAN NG OIL PRICE HIKE ANG BANGAYANG MARCOS VS DUTERTE, KAYA ANG DULOT NITO SAKIT-ULO SA MAMAMAYAN -- Habang mainit ang bangayan ng Marcos administration at Duterte administration patungkol sa isyung pag-aresto at pagkulong kay ex-P-Duterte sa International Criminal Court (ICC) jail, biglang may bumulagang oil price hike sa publiko kamakalawa.


Iyan ang hindi kagandahan sa mga gov’t. official, ang bangayan nila ay sinasabayan ng dagdag-sakit ng ulo sa publiko tulad nitong panibagong oil price hike, tsk!


XXX


SA MARCOS VS DUTERTE, TILA MAY KINIKILINGAN NA SI SP ESCUDERO -- Sinabi ni Senate President Chiz Escudero na hindi naman daw nakompromiso ang soberanya ng Pilipinas nang dakpin si ex-P-Duterte at ikulong ito sa ICC jail sa The Netherlands kasi nga raw ay mga Pinoy naman ang mga complainant laban sa dating presidente.


Aba teka, dati ay nasa gitna lang si SP Chiz sa bangayang Marcos at Duterte, pero bakit iba na ang tono o tema ng mga statement niya ngayon, na tila mas nakakiling siya sa Marcos kaysa Duterte, boom!


XXX


HINDI LANG PHIL. GOV’T., PATI PAMILYA NG MGA OFW DAMAY KAPAG TINUTOO NILA ANG BANTANG 1 WEEK ‘ZERO REMITTANCE’ SA ‘PINAS -- Nagbabala ang overseas Filipino workers (OFWs) na magsasagawa sila ng isang linggong “zero remittance” sa Pilipinas bilang pagkondena nila sa Marcos administration na pumayag dakpin sa ‘Pinas si ex-P-Duterte at hinayaang makulong sa ICC jail sa The Netherlands.


Aba’y iyan ang hindi dapat gawin ng mga OFW, kasi kapag itinuloy nila iyang banta nila na ‘yan ay hindi lang ang Philippine gov’t. ang maaapektuhan kundi pati mismong mga kapamilya nila sa ‘Pinas, period!


XXX


MALAPIT NANG MATAPOS ANG HAPPY DAYS NG MGA FAKE NEWS VLOGGER NA NAKABASE SA IBANG BANSA -- Makikipag-ugnayan ang National Bureau of Investigation (NBI) sa International Police Commission (Interpol) para tugisin ang mga Pinoy fake news vloggers at sampahan ng kaso, na nakabase sa ibang bansa. 


Yari ang mga fake news vloggers na nasa ibang bansa kasi malapit nang tapusin ng NBI ang happy days nila sa paggawa ng mga fake news patungkol sa mga nangyayari sa ‘Pinas, boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page