ni Lolet Abania | September 14, 2020
Ligtas na sa kamatayan ang South Korean actress na si Oh In Hye matapos matagpuang walang malay sa kanyang tirahan at madala agad sa ospital.
Sa report na ibinigay ng K-entertainment website na Soompi, mula sa Incheon Yeonsu Police Station at Incheon Songdo Fire Station, natagpuan ang aktres na diumano'y na-cardiac arrest sa bahay nito sa Incheon bandang alas-5 ng umaga (oras sa KST) ngayong Lunes.
"Emergency procedures like CPR were immediately performed on the South Korean actress and she was taken to a hospital nearby," ayon sa report.
Gayunman, pahayag ng Incheon Yeonsu Police Station sa MK Sports, naibalik na sa normal ang tibok ng puso at pulso ng aktres.
“Oh In Hye’s pulse and breathing have returned,” sabi ni U. Kim sa Soompi, subali't wala pa rin itong malay.
Dagdag ng Soompi, isang kaibigan ni Oh In Hye ang tumawag sa naturang pulisya dahil sa hindi nila matagpuan ang aktres.
Gayundin, iniulat ng All K-pop ang nangyari sa kanya. Ayon sa source, may espekulasyong nagtangkang mag-suicide ang aktres subali't wala pang ibinibigay na detalye tungkol dito.
Magpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nangyari kay Oh In Hye kapag nagkamalay na ito.
Samantala, nagbida si Oh In Hye sa mga palabas na "The Plan," "Wish Taxi," at "No Breathing."
Commentaires