ni Mabel G. Vieron | April 22, 2023
Sa patuloy na pag-atake ng Russia sa Ukraine, napagplanuhan ng South Korea na magsuplay ng mga armas sa Ukraine.
Kaugnay nito, agad namang nagbabala ang Russia sa South Korea.
Matatandaang nagbigay ng non-lethal at humanitarian assistance ang South Korea subalit hindi pa nakapagbibigay ng anumang military aide.
Ani South Korea President Yoon Suk Yeol, bukas umano silang magbigay ng mga armas sa Ukraine.
Samantala, ayon kay Russia President Dmitry Peskov, ang pagbibigay ng military support sa Ukraine ay nangangahulugan ng indirect involvement sa away nila ng Ukraine.
Dagdag pa ni President Peskov, ‘pag ipinagpatuloy ng South Korea ang balak, magsusuplay din ito ng mga armas sa North Korea.
Comments