top of page
Search
BULGAR

Source ng ‘ilegal’ na bakuna, tugisin!

@Editorial | July 10, 2021



May nahuli na naman sa ilegal na pagbebenta ng bakuna kontra-COVID-19.


Isang ginang na nagpapanggap na nurse ang huling naglalako ng bakuna online.

Tila hindi natinag sa babala ni Pangulong Rodrigo Duterte na ikukulong ang mahuhuling nagbebenta ng bakuna.


Una nang nakarating sa kaalaman ng Pangulo na isang health worker ang naaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) na umano’y nagbenta ng Sinovac.


Nakaaalarma ang ganitong gawain.


Unang-una, ang bakuna kontra-COVID ay hindi produkto na ibinebenta at basta na lang gagamitin. May mahahalagang proseso na dapat pagdaanan para mapanatiling ligtas at epektibo.


Pangalawa, ang pagpupuslit at pagbebenta sa kung sino lang ang may kakayahang

makabili ay paglapastangan sa karapatan ng bawat isa. Ang laban sa pandemya ay laban ng lahat, mahirap at mayaman, kaya dapat pantay-pantay ang pagbibigay-lunas at proteksiyon. Huwag alisan ng pagkakataon ang mahihirap na magkaroon ng laban sa virus o anumang sakit.


Kaya kung sinuman ang source o nasa likod ng ganitong mga ilegal na ibinebentang bakuna, tugisin na!


Palaging ipinaalala na ibinibigay nang libre ang bakuna laban sa COVID-19 at hindi ito for sale sa mahihirap at mayayaman.


Sumunod tayo sa proseso. Huwag nating hayaang masira ang sistemang magtatawid sa atin patungo sa mas maayos na pamumuhay sa gitna ng pagsulpot ng COVID-19.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page