ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | May 28, 2024
Tulad sa nakaraang Cannes Film Festival ay hindi rin nakarating sa 72nd FAMAS Awards Night last Sunday (May 26, 2024) si Superstar Nora Aunor because according to a reliable Noranian ay ipinagbawal ng mga doctors nito na um-attend siya sa crowded event.
Tsk, sayang, ang ganda sanang tingnan kung nakadalo si Ate Guy sa FAMAS night at sa iisang table lang sila magkakasama ng ex-husband niyang si Christopher de Leon na kasama naman ang present wife na si Sandy Andolong, Tirso Cruz III na former love tandem ni Guy at pati na rin ang naging rival niya sa showbiz na si Vilma Santos-Recto.
Tipong puwedeng ang title ay Rewind (movie nina Marian Rivera at Dingdong Dantes) ng mga nakaraan nilang kabanata simula pa nu’ng dekada ‘70.
And take note, maraming showbiz Marites ang umalma sa nasabing okasyon ‘coz ang mahal daw ng dinner per plate na nagkakahalaga ng P5 thousand each person na ginawa nga sa Fiesta Pavilion ng Manila Hotel.
Pero wagi naman si Ate Guy ng dalawang trophies na ang tumanggap ay ang kanyang longtime friendship-showbiz writer na si Baby K. Jimenez na tumanggap din ng award bilang Best in Journalism.
Anyway, cheers and congrats sa lahat ng nanalo sa 72nd FAMAS Awards night, malapit na ring sumunod ang PMPC Star Awards night sooner than soon.
Saka nga pala, maganda rin sanang tingnan kung dumating si Daniel Padilla para batiin si Kathryn Bernardo na wagi as Best Actress that night with Alden Richards as her escort.
Sey n'yo, mga Marites? Bongga sanang tingnan, devah naman?
Kommentarer