top of page
Search
BULGAR

Sori na lang, naunahan na… PABAHAY NI PACQUIAO SA MGA ISKUWATER SA BUONG 'PINAS,

IMPOSIBLE NA, LAOS PA!


ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | September 04, 2021



Tulad ni Sen. Manny Pacquiao, pangarap din ni Yorme Isko Moreno na bigyan ng bahay ang mga squatters.


Naumpisahan na ni Yorme Isko na ipatayo ang ilang high-rise na pabahay sa mga lugar sa Maynila na maraming squatters. Tinawag niyang Tondominium ang itinayo niyang pabahay sa Tondo.


May tatlo pang pabahay siyang itinayo sa iba't ibang areas ng Maynila. Nagawang tuparin ni Yorme Isko ang kanyang pangako sa mga squatters ng siyudad.


Hindi naman kasi imposibleng gawin ito dahil kayang tustusan ng Lungsod ng Maynila ang mga pabahay projects ni Yorme Isko. Kaya, marami ang sumasaludo sa kanyang mga ginagawa.


Kumpara sa pangarap ni Sen. Pacquiao na ang lahat ng squatters sa buong 'Pinas ay balak niyang bigyan ng sariling bahay kapag siya ay nahalal na pangulo, mas kapani-paniwala ang plano ni Yorme Isko sa mga squatters ng Maynila.


Ang pagpasok sa pulitika ng dating That's Entertainment member ay hindi masasabing tsamba o suwertehan lamang. Nang mahalal siyang konsehal ay pinaghandaan na niya ang tatahakin niya sa political arena. Noong siya ay naging vice-mayor ay nag-aral siya at kumuha ng crash course sa Harvard University. Nag-apply din siya ng short course sa Oxford University. Kaya naman, marami siyang natutunan na nagagamit niya ngayon.


Dahil dati siyang batang Tondo na sanay sa hirap ng buhay, alam ni Yorme Isko Moreno ang mga problema at pangunahing pangangailangan ng mga Manileños. At ito ang kanyang agad na inaaksiyunan.

0 comments

تعليقات


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page