ni Eli San Miguel - Trainee @Entertainment | March 1, 2024
![](https://static.wixstatic.com/media/1ae136_0b1490c976124c979d09300bc00d8743~mv2.jpg/v1/fill/w_980,h_587,al_c,q_85,usm_0.66_1.00_0.01,enc_auto/1ae136_0b1490c976124c979d09300bc00d8743~mv2.jpg)
Papasok na ang sikat na Korean actor na si Song Kang sa mandatory military service sa Abril 2.
Kilala ang aktor sa mga Korean TV series na “Sweet Home” at “Nevertheless.”
“We express deep gratitude to the fans who always show love for actor Song Kang, and this is a notice regarding Song Kang’s enlistment,” pahayag ng Namoo Actors, ang talent agency ng aktor.
“Song Kang will be enlisting as an active duty soldier of the [Republic of Korea] Army on Tuesday, April 2,” saad pa nito.
Binanggit ng talent agency na walang official event para sa pagpasok ni Song Kang sa training center, at mag-e-enlist siya nang pribado upang maiwasan ang isyu sa kaligtasan na dulot ng pagdagsa ng maraming tao.
“We ask for the warm love and support of many people in order for Song Kang to return in good health with greater maturity after diligently completing his mandatory service,” pagtatapos ng pahayag.
Noong Marso ng nakaraang taon, bumisita si Song Kang sa Pilipinas at nagdaos ng isang fan meeting sa Maynila. Sa pagkakataon na ‘yun, sinorpresa siya ng mga fans ng isang video compilation na nagpaiyak sa kanya.
“I really did not think I was going to cry. I am really surprised,” sabi ng aktor.
“I am always thankful for all your support. I hope you can all be happy, and you can all be healthy. I am so honored,” dagdag niya.
Comments