ni Mai Ancheta @News | August 20, 2023
Hindi dagdag-pasahe ang hirit ng ilang transport groups sa sunud-sunod na taas-presyo sa produktong petrolyo kundi ang ibasura ang Oil Deregulation Law at excise tax sa langis.
Ito ang panawagan ng grupong Manibela at Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide o PISTON upang mabawasan ang pagdurusa ng transport sector sa pagtaas ng presyo ng petrolyo.
Sinabi ni Manibela President Mar Valbuena na kapag ibinasura ang Oil Deregulation Law at excise tax sa langis ay gagaan ang kanilang pasanin dahil magkakaroon na ng kontrol sa presyuhan ng langis.
Hindi aniya tulad ngayon na walang habas sa pagtataas ng presyo ang mga kumpanya dahil walang nagre-regulate sa presyuhan nito.
Ayon naman kay Piston National President Mody Floranda, halos P250 ang nawawala sa
kita nila araw-araw dahil sa mataas na presyo ng langis at kung susumahin ito sa loob ng 25 araw ay halos P7K ang nawawalang kita sa kanila.
Comments