Higit P125M jackpot sa Superlotto 6/49, napanalunan na
- BULGAR
- Nov 5, 2021
- 1 min read
ni Jasmin Joy Evangelista | November 5, 2021

Isang masuwerteng mananaya ang nanalo ng mahigit P125 milyon na jackpot prize sa Superlotto 6/49 draw nitong Huwebes, November 4, 2021.
Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office, nakasaad na isang mananaya lang ang tumama sa kombinasyon ng winning numbers na 05-03-10-17-43-49.
Umabot sa halagang P125,692,139.20 ang kabuuang premyo nito.
Samantala, ngayong Biyernes, Nov. 5, mayroong draw para sa Ultra Lotto 6/58 na ang premyo ay umaabot na sa mahigit P253 milyon.
Comments