top of page
Search
  • BULGAR

Solo na lang, Nadine 'di feel makasama… JAMES, GUSTONG MABAWI ANG NAWALANG P100M, BALIK-SHOWBIZ

ni Ambet Nabus @Let's See | Sep. 21, 2024



Showbiz News

Marami na namang haka-haka ang mga netizens sa mga naging pahayag ni James Reid kamakailan.


Sa isyu kasi ng pagbabalik-tambalan nila ni Nadine Lustre, sinasabi ng netizen na malamang na mas pinoprotektahan umano ni James ang relasyon nito kay Issa Pressman. 


Matatandaang si Issa ang itinuturong dahilan ng naging hiwalayan ng JaDine, though kinlaro naman ni James na after nilang mag-break ni Nadine ay nagkaroon siya ng involvement sa iba bago kay Issa.


Dati ring magkakaibigan sina Nadine, Issa at kapatid nitong si Yassi Pressman, pero siyempre sa ngayon, hindi na ito totoo.


May mga matatabil ang dilang netizens naman na nagsasabi na posibleng may kinikimkim pang emosyon si James para kay Nadine.


Matindi naman ang mga nagsasabing hindi na kayang tapatan ni James ang award-winning skills and talent ni Nadine sa pagganap, kaya’t hindi ito komportableng makatrabaho uli ang ex. ‘Yung iba naman ay nagsasabing dahil sa daang milyones na nawala kay James ay magbabalik-acting ito without Nadine’s help or support.


Well, whatever the case or reason may be, malinaw sa naging pahayag ng guwapo pa ring si James na sa kanyang planong balik-acting ay tila tanggap pa rin siya.

Tara na, Papa James Reid!


 

O, ‘di ba, sabi sa inyo, unti-unti ring lilipas ang mga ingay sa Yulo family?

Bukod sa naumay na nga ang mga Pinoy sa mala-teleseryeng kaganapan sa pamilya ng Olympic medalist, tila mahirap namang pantayan ang higit na positibong mga ganap sa pamilyang Obiena.


Dahil nailagay na nga sa limelight ang mga sports heroes na nabanggit at madalas ding nasa mga showbiz sections sila due to product endorsements, mga guesting sa TV and vlogs, interviews and collab with known celebrities, hindi maiiwasan ang maikumpara ang talino at pagka-disente ng bawat isa at mga pamilya nila.


Ang latest na tsika kay Caloy ay ‘yung balitang sinilip nito ang live selling ng nanay niya. Halos wala ngang pumansin sa huling interbyu ni Luis Manzano kay Chloe San Jose.

Meanwhile, si EJ Obiena naman ay well-received sa kanyang katatapos na fan meet and greet. Sa pag-anunsiyo pa nitong tinanggihan niya ang mag-endorse ng mga alcohol and gambling products and services, lalo siyang tinawag na “Pambansang Boyfriend” at “Internet Boyfriend”.


At kabaligtaran kay Caloy, sa mga interbyu niya sa showbiz o mga company launches, ipinagmamalaki ni EJ at isinasama pa ang mga parents, kapatid at ultimo mga lola at lolo niya.

O, ‘di ba?


 

Drugs, rape, etc., pasok sa issue…

MGA AKUSASYON NI SANDRO, SINAGOT NINA DODE CRUZ AT JOJO NONES SA GMA-7 COMMITTEE HEARING


Jojo Nones

SA opisyal na dokumentong isinumite ng kampo nina Dode Cruz at Jojo Nones sa GMA-7 Committee hearing, sinagot nga rito ang mga naging alegasyon ni Sandro Muhlach.


Ang naturang dokumento ay siya ring parehong dokumento na isinumite nila sa Department of Justice (DOJ) ayon sa aming nakalap kay Atty. Maggie Garduque, ang legal counsel nina Nones at Cruz.


Nakakaloka ang mga counter-affidavit statements na nilalaman ng documents, lalo na sa mga usaping “dinroga, nireyp at pinilit.”


Ang lahat siyempre, ‘yun ay pinabulaanan ng kampo ng dalawa at laman nga rin ang

mga ebidensiyang umano’y sasalungat dito gaya ng medical record, alcohol test, drug test at mga conversation sa phone.


Well, hahayaan na lang natin na ang tamang husgado ang magsuri ng mga naturang ebidensiya. Pero sey ng mga nakabasa ng counter affidavit sa naturang GMA-7 committee hearing ay tila naungusan umano nina Jojo Nones at Dode Cruz si Sandro Muhlach?




0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page