ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga | November 16, 2022
![](https://static.wixstatic.com/media/bd1fd9_8bbf65402eb141ab84490773f45d39e0~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_auto/bd1fd9_8bbf65402eb141ab84490773f45d39e0~mv2.jpg)
Marami ang nagtataka sa naging pahayag ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez na ayaw na niyang tumanggap ng movie project o serye sa TV. Mas gusto niyang mag-focus na lang sa kanyang singing career.
Nakagawa na rin naman ng ilang pelikula si Regine katambal ang ilang sikat na aktor tulad nina Aga Muhlach at Robin Padilla. Karamihan ay rom-com movies at kuwela naman sa mga moviegoers.
Keri ni Regine ang umarte at nakagawa na siya ng ilang serye noon sa GMA-7. Pero, makalipas ang ilang taon, mas pinili nga niya ang mag-show at mag-concert na lang kesa gumawa ng pelikula.
Well, ano nga ba ang mas nagtatagal — acting o singing career?
Alin ang mas malaki at stable ang kita, pagiging singer o artista?
Kung tutuusin, puwede namang pagsabayin ni Regine ang pagiging singer at artista tulad nina Sharon Cuneta at Sarah Geronimo. Maraming artista ang tumatagal sa showbiz ng tatlo (3) hanggang apat (4) na dekada tulad nina Nora Aunor, Vilma Santos at Sharon Cuneta.
Pero, kokonti ang nagtatagal ng dalawa o tatlong dekada na singers na napanatili ang kasikatan at patuloy na tinatangkilik ang kanilang musika.
Pero choice ni Regine Velasquez ang manatiling singer-performer, at marami pa naman siyang fans.
Comments