top of page
Search
BULGAR

Social services sector, may pinakamalaking budget sa 2024

ni Nancy Binay @Be Nice Tayo | August 17, 2023


Nitong Martes ay nagsimula na ang deliberasyon para sa 2024 national budget.


Ayon sa briefing na isinagawa ng Development Budget Coordination Committee, nasa P5.768 trillion ang panukalang budget para sa susunod taon, na mas mataas ng 9.5% sa P5.268 trillion na budget ngayong 2023.


Sinabi ng Department of Budget and Management na ang layunin daw ng 2024 budget ay siguruhin ang isang future-proof at sustainable community para sa mga Pilipino.


Dinisenyo rin daw ang budget upang makamit ang target ng gobyerno na maging upper-middle income na bansa ang Pilipinas sa 2025.


☻☻☻


Ang social services sector ang makatatanggap ng pinakamalaking alokasyon sa 2024 National Expenditure Program, na aabot sa P2.183 trillion o nasa 37.9% ng panukalang budget.


Ang sektor na ito ay binubuo ng health, education, culture, manpower development, social security, welfare, at employment.


Ang iba pang sektor na bumubuo ng budget ay economic services (29.6%), general public services (15.5%), debt burden (12.1%), at defense (4.9%).


☻☻☻


Ayon sa DBM, ang sumusunod ay panukalang alokasyon para sa mga priority sector: Education (P924.7 billion); Public Works (P822.2 billion); Health (P306.1 billion); Interior and Local Government (P259.5 billion); Defense (P232.2 billion).


Transportation (P214.3 billion); Social Welfare (P209.9 billion); Agriculture (P181.4 billion); Judiciary (P57.8 billion); at Labor and Employment (P40.5 billion).


☻☻☻


Makakaasa ang ating mga kababayan na tututukan natin ang panukalang budget upang masiguro na mananaig ang interes ng sambayanan.


☻☻☻


Paalala lamang sa lahat na patuloy pa ring mag-ingat sa paglabas ng bahay, magsuot ng face mask, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang halaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.


Malalagpasan din natin ito.


Be Safe. Be Well. Be Nice!


 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page