top of page
Search
  • BULGAR

Social distancing sa evac center, imposible

ni Ronalyn Seminiano Reonico | October 31, 2020



Isinusulong ng Department of Health (DOH) ang pagkakaroon ng safety officers sa bawat evacuation centers ngayong nahaharap ang bansa sa COVID-19 pandemic at Bagyong Rolly. Saad ni Department of Health Spokesperson Maria Rosario Vergeire, “Magkaroon po tayo ng safety officers na palagiang hihikayat at saka mag-a-advise sa ating mga komunidad na nasa loob ng evacuation center na kailangan laging naka-mask, kailangan laging naghuhugas ng kamay.”


Aniya pa, kung mayroong safety officers, maa-isolate kaagad ang mga indibidwal na makikitaan ng sintomas ng COVID-19.


Ayon naman kay Aurora Governor Gerardo Noveras, mahirap umano ang mahigpit na pagpapatupad ng physical distancing protocols sa mga evacuation centers.


Aniya, “May mga factors po na hindi natin kayang saklawan o kayang remedyuhan kagaya po kung maliit lang ang space ng evacuation centers at marami ang kailangang i-house ru’n, hindi natin mapapanatili ang physical distancing.


“Sisiguraduhin naman po namin na sa ganoong sitwasyon ay mayroon namang masks ang mga evacuees na dadalhin doon upang magkaroon pa rin sila ng proteksiyon. In case mayroong isang asymptomatic doon o unreported positive case ay hindi sila basta-basta mahahawa.”


Sa ngayon ay nakataas ang Signal No. 1 sa Aurora province dahil sa Bagyong Rolly at wala pang inililikas na residente, ayon kay Noveras.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page