ni Ejeerah Miralles (OJT) | March 12, 2023
SOUTH AFRICA — Isang professional soccer player ang nasawi matapos mag-collapse habang nasa morning training session.
Kinilala ang soccer player bilang si Siphamandla "Spepe" Mtolo, midfielder ng koponan at naglaro laban sa South African Premiere Division, nangungunang soccer league ng bansa.
Kinumpirma ng Richards Bay Football Club, namamahala ng KwaZulu-Natal soccer team kung saan naglalaro si Mtolo, ang insidente sa Twitter at nag-abot ng kanilang pakikiramay sa pamilya at sa fans ng manlalaro.
Samantala, maglalahad ng sandaling katahimikan ang South Africa's Premier Soccer League sa mga paparating na laro upang parangalan si Mtolo.
Commenti